Kilos para sa Kalikasan

"Kilos para sa Kalikasan"

by: Alabata, Caparas, Go, Sabellano

    Alam mo ba na ang kalikasan natin ngayon ay unti unti ng nasisira? Nasisira dahil sa mga nagawa nating mga aksyon na hindi nakagaganda sa ating kalikasan. Mga aksyon na nagbibigay ng iba’t ibang masasamang epekto sa ating kalikasan. Isang epekto nito ay ang climate change. Ito ang isa sa pinakamalaking isyu na hinaharap sa mga tao ngayon at sa ating mundo at kinakailangan nating gawin ng kilos para maiwasan na malala ito. Ang Climate change ay ang pagbabago ng klima sa ating mundo. Maaaring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. Ito rin ay maaaring isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o season. Nagbibigay ng iba’t ibang epekto katulad ng pagtaas ng temperatura sa ating mundo, paghaba ng panahon ng tag-init, pagdagsa ng maraming bagyo, at ang pagtaas sa antas ng tubig dagat. Ang mga dahilan nito ay ang kagagawan ng mga tao katulad sa pagtatapon sa mga basura sa kahit anong lugar, mga conversion ng lupa para sa mga gusali at ang mga usok na nanggagaling sa mga sasakyan.


    Kailan pa tayo kikilos? Marami na ang naapektohan dahil sa climate change lalo na ngayon na nagpapatuloy pa rin ang suliranin na ito.Hindi man natin ito nahahawakan ngunit nararamandaman natin ang pag-iiba sa ating paligid, nadadamay na rin ang mga malalamigin na lugar, na tumataas ang lebel sa tubig. Tumaas ito dahil natutunaw ang mga glaciers, yelo ,at mga iba pang uring yelo na natutunaw dahil nga sa kainitan sa ating panahon. Isa na din ang paglakas ng ulan sa buong mundo. Itoy nakakaapekto sa ating sarili at paligid dahil tayo ang mahihirapan sa pinsalang nangyari. Maraming bahay,ari-arian at mismo ang kalikasan ang mahihirapan sa dahil sa nagdudulot  ng pagbaha sa kanilang mismong lokasyon. Lalong lalo na sa ating bansang Pilipinas, alam naman natin na isa itong tropikal na bansa ngunit dahil mas grumabe at hindi kontrolado ang kainitan na ito dahil sa rason ng climate change,ang mga puno, halaman,at mga taniman ay natutuyo dahil wala silang makukuha na tubig at  dahil dito mas mararanasan ng mga mamamayan ang pagbabawas ng tubig o pagiipon ng tubig dahil sa sitwasyon na ikinaharapan. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa ganitong uri ng pamumuhay,ang pagsasaka ngunit hindi natin makukuha ang ating pangangailangan dahil sa pagbaba ng produkyon ng pagkaing halaman  na hindi madaling tumubo o ang proseso nito ay naging mabagal dahil sa panahon na  nararanasan natin. Nadadamay rin dito ang pagbabago ng ekosistema sa ating  mundo. Dahil sa pagbabago nito maraming na apektuhan sa paligid lalong lalo na sa natutuyo ang mga fish pond,at ang agrikultura natin. Maraming komunidad  o bayan ang mas nahihirapan sa pagpapadali ng proceso sa kanilang tinatrabahoan at mas nahihirapan sila dahil hindi sanay ang populasyon sa ganitong pamumuhay. Higit  sa lahat ang pagtaas ng temperatura,ay isa ng epekto ng climate change. Dahil sa pagtaas nito marami itong nadudulot ng pagbabago sa ating perkspektibo na pananaw sa ating paligid. Nagdudulot ito ng mga pinsala lalo na sa isang mamamayan na makakaranas ng posebling sakit na heat stroke, sun burn, o iba pang sakit dahil sa taas ng temperatura. Hindi lang tayo ang makakaranas nito, pati na rin ang ating inang kalikasan. Bilang isang mamamayan, ang ganitong problema ay dapat na nating bigyan ng solusyon at kilos. Hindi lang tayong mga tao ang nadadamay sa ating pinaggagawa kundi ang buong mundo,nakikita natin mismo na maraming trahedya at pangyayari na hindi nakakabuti sa ating mundo.

    Paano natin pagaanin ang isyung ito? Ano ang mga paraan? Ang pagbabago ng klima ay maaaring mabawasan sa paraan ng paggamit ng 3 R's (Reduce, Reuse, Recyle), gamit ang mga transportasyon na hindi nagbubuga ng usok, at bawasan ang paggamit ng enerhiya. Ang paggamit ng 3 R's ay makakatulong sa atin sa pagpapagaan ng pagbabago ng klima sa kadahilanang mababawasan nito ang mga basura na maaaring mag-ambag sa polusyon na maaaring makapinsala sa kalusugan ng mga indibidwal, at sa ating kapaligiran na maaaring magdulot ng pagbabago ng klima. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng paggamit ng 3 R's, makakatulong ito sa kapaligiran na mabawasan ang paglabas ng mga greenhouse gas. Sa kabilang banda, ang paggamit ng mga transportasyon tulad ng mga e-motor, bisikleta, paglalakad, pagtakbo, at pag-jogging ay maaaring makatulong na mabawasan ang mga usok na maaaring makahawa sa kalidad ng hangin na nilalanghap  nating mga tao. Sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraang ito, maaari nitong pagaanin ang mga emisyon ng carbon dioxide na nagmumula sa mga  transportasyong naglalabas ng usok. Ang pagbawas sa paggamit ng enerhiya ay isa sa mga paraan sa pagpapagaan ng pagbabago ng klima sa kadahilanang makakatulong ito sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapababa ng mga emisyon ng power plant. Upang makabuo ng kuryente, karamihan sa mga  planta ng kuryente ay nagsusunog ng karbon, krudo o iba pang fossil fuel. Gayunpaman, habang ang mga power plant ay nagsusunog ng mas maraming gasolina upang lumikha ng mas maraming enerhiya, ang sobrang carbon waste ay nakakakuha ng sobrang init. Ang paglalapat ng mga paraang ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ay tiyak na makakatulong sa ating kapaligiran sa pag-iwas sa pagbabago ng klima. Ang mga ito ay mahalaga para sa ating kapaligiran upang mabuhay.


Sa pagbubuod nito, dito natin maipapakita ang kahalagahan ng pag aalaga sa kalikasan. Tayo ay dapat matuto kung paano ikonserba at pag yabungin ang kalikasan, dahil tayo rin ang makikinabang dito. Ating isa-isip ang importansya at pagpapahalaga sa ating kapaligiran dahil hindi lang ito para sa pansariling kapakanan kundi ito’y sa pangkalahatan. Tayo ay dapat magkaisa na pagyamanin at pahalagahan ang inang kalikasan. Kahit sa mga simpleng gawain na makakatulong sa pagkonserba ng kalikasan, kagaya nalang ng pagtulong sa mga clean up drive na inoorganisa ng ating mga barangay. Kahit man sa ating sariling mga tahanan, sa pamamagitan ng pagtapon sa tamang basurahan at paglimita ng paggamit ng mga bagay na nakakasama sa kalikasan. Pwede rin tayo gumamit ng 3R’s (Reuse, Reduce, Recycle) para mababawasan ang mga basura sa ating kalikasan, kasi di na biro ang basura sa ating kapaligiran meron na itong masamang epekto sa ating lahat, nasisira na ang ating kalikasan, dahil pati sa mga dagat at ilog ay nagkalat na ang mga basura, bumabaha narin sa mga kanal na sanhi ng pagbaha, nagdudulot narin ito ng pagkakasakit sa mga tao at hayop dahil sa pulosyon na ating nalalanghap, maganda rin ang reduce, reuse at recycle dahil nakakatulong ito upang tayo ay makatipid. Sa mga simpleng aksyon, pag-iisip, kontribusyon natin mag aasa tayo na nakakatulong ito sa ating inang kalikasan.


    

-group4:10olcon
alabata, caparas, go, sabellano



Comments

Popular posts from this blog

CHISMISAN NG MGA PILIPINO