CHISMISAN NG MGA PILIPINO


    Chismis doon, chismis dito, isa sa mga isyu ng mga Pilipino. Kahit saang parte ka sa bansang Pilipinas, hindi mawawala yan. Ang chismis ay isa sa mga cancer ng mga Pilipino, na nadala pa rin sa ating henerasyon ngayon. Mga  grupo ng mga taong nag titipon para mag- usap ng kahit ano-anong nangyayari sa paligid. Nag-uusap ng mga pangyayari na tutuo at hindi, kahit alam na nila na hindi nangyari ang kanilang sinasabi, sinasabi pa rin nila. Mga matatanda, o kahit bata paman ay mag chi-chismis din. Nagsasabi ng mga hindi katutuhanan sa grupo para lang may masasabing chismis, kahit na alam naman na hindi ito totoong pangyayari. Kahit gaano mo pang gustong mapagtanggol ang iyong sarili sa katutuhanan, sila ay mananatiling maniwala sa hindi katotohanan. Mga matatandang laging nagsisinungaling at nagsasabi ng kahit ano-anon asa iba, ay tinatwag na chismosa. At isang cancer na ito ay kailangang maiwasan dahil nakakaapekto ito sa buhay ng ibang tao, kahit bata o matanda paman. 

    Kahit ako na nasa 14 na gulang pa lang, may mga chismis nang kumalat tungkol sa akin. Dahil na ako ay maraming kaibigan na lalaki at minsan magsama kaming dalawa lamang, ang mga mata at mga bibig nila ay nakatingin na sa amin. Pinagsasabing kasintahan ko raw siya, na sa ang tutuo lang ay mag kaibigan lang at wala akong instensyon na maging kanyang kasintahan. Talagang cancer talaga ito ng mga Pilipino. Kahit bata ginagawaan ng chismis sa mga tao. Nagchi-chismis na kahit hindi nila alam kung ano talaga ang katutuhanan sa relasyon ko sa mga kaibigan ko o kung ano man kami nila. Kahit ako mismo, nakarinig na rin ako ng mga chismis na kinalat nila tungkol sa isang tao, at sa ka sa kaibigan ko. Pero nang tinanong ko sila, iba ang kanilang nasabi at sinasabi nila sa akin kung ano ang katutuhanan. Kahit kaibigan ko rito may mga chismis galing sa ibang tao, at sinasabihan ako. May mga kasinungalingang pangyayari tungkol sa aking kaibigan kahit na mas alam ko pa sa sarili ko kung ano ang nangyayari dahil kaibigan ko siya at sinabihan niya ako sa nangyari. Maraming naapektuhan na tao, katulad ko dahil sa mga chismis na kanilang ginawa, nagbibigay ako distansya sa mga kaibigan kong mga lalaki para hindi mabigyan ng isyu ang aming pagkakaibigan. 

    At ang pagchichismis ay dapat iwasan para hindi makapagbigay ng sakit sa isang tao. Dahil masakit marinig sa mga ibang tao ang mga salitang sinasabi sayo na hindi naman katutuhanan. Bilang isang kabataan sa ating henerasyon ngayon, gusto ko itong matigilan sana. At magagawa ito sa pamaraan ng hindi magsasabi ng mga kasinungalingan sa mga tao, o kahit ano-ano paman. Sa halip na isipin ang negosyo ng iba, isipin ang sarili ninyong problema. Huwag disturbuhin ang buhay ng ibang tao, dahil wala kang magawa. Isipin mo nalang ang iyong kinabukasan bilang isang tao at tigilan ang pag-iisip tungkol sa iba. Hanapin ang iyong sarili at mamuhay ng maayos kaysa sa maggawa ng mga kahit ano-anong mga chismis na hindi naman katutuhanan. At bilang isang bata sa henerasyon ngayon, posibleng magawa natin ito, dahil ako rin ay nag-aalaga lang sa aking sarili at sa aking kinabukasan at hindi sa ibang tao. At laging tatandaan ang isang kasabihan sa Ingles na “Mind Your Own Business”.

Comments