Posts

Kilos para sa Kalikasan

Image
"Kilos para sa Kalikasan" by: Alabata, Caparas, Go, Sabellano     Alam mo ba na ang kalikasan natin ngayon ay unti unti ng nasisira? Nasisira dahil sa mga nagawa nating mga aksyon na hindi nakagaganda sa ating kalikasan. Mga aksyon na nagbibigay ng iba’t ibang masasamang epekto sa ating kalikasan. Isang epekto nito ay ang climate change. Ito ang isa sa pinakamalaking isyu na hinaharap sa mga tao ngayon at sa ating mundo at kinakailangan nating gawin ng kilos para maiwasan na malala ito. Ang Climate change ay ang pagbabago ng klima sa ating mundo. Maaaring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. Ito rin ay maaaring isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o season. Nagbibigay ng iba’t ibang epekto katulad ng pagtaas ng temperatura sa ating mundo, paghaba ng panahon ng tag-init, pagdagsa ng maraming bagyo, at ang pagtaas sa antas ng tubig dagat. Ang mga dahilan nito ay ang kagagawan ng mga tao katulad...

CHISMISAN NG MGA PILIPINO

Image
     Chismis doon, chismis dito, isa sa mga isyu ng mga Pilipino. Kahit saang parte ka sa bansang Pilipinas, hindi mawawala yan. Ang chismis ay isa sa mga cancer ng mga Pilipino, na nadala pa rin sa ating henerasyon ngayon. Mga  grupo ng mga taong nag titipon para mag- usap ng kahit ano-anong nangyayari sa paligid. Nag-uusap ng mga pangyayari na tutuo at hindi, kahit alam na nila na hindi nangyari ang kanilang sinasabi, sinasabi pa rin nila. Mga matatanda, o kahit bata paman ay mag chi-chismis din. Nagsasabi ng mga hindi katutuhanan sa grupo para lang may masasabing chismis, kahit na alam naman na hindi ito totoong pangyayari. Kahit gaano mo pang gustong mapagtanggol ang iyong sarili sa katutuhanan, sila ay mananatiling maniwala sa hindi katotohanan. Mga matatandang laging nagsisinungaling at nagsasabi ng kahit ano-anon asa iba, ay tinatwag na chismosa. At isang cancer na ito ay kailangang maiwasan dahil nakakaapekto ito sa buhay ng ibang tao, kahit bata o matanda pa...