CHISMISAN NG MGA PILIPINO
Chismis doon, chismis dito, isa sa mga isyu ng mga Pilipino. Kahit saang parte ka sa bansang Pilipinas, hindi mawawala yan. Ang chismis ay isa sa mga cancer ng mga Pilipino, na nadala pa rin sa ating henerasyon ngayon. Mga grupo ng mga taong nag titipon para mag- usap ng kahit ano-anong nangyayari sa paligid. Nag-uusap ng mga pangyayari na tutuo at hindi, kahit alam na nila na hindi nangyari ang kanilang sinasabi, sinasabi pa rin nila. Mga matatanda, o kahit bata paman ay mag chi-chismis din. Nagsasabi ng mga hindi katutuhanan sa grupo para lang may masasabing chismis, kahit na alam naman na hindi ito totoong pangyayari. Kahit gaano mo pang gustong mapagtanggol ang iyong sarili sa katutuhanan, sila ay mananatiling maniwala sa hindi katotohanan. Mga matatandang laging nagsisinungaling at nagsasabi ng kahit ano-anon asa iba, ay tinatwag na chismosa. At isang cancer na ito ay kailangang maiwasan dahil nakakaapekto ito sa buhay ng ibang tao, kahit bata o matanda pa...